BRAZIL SHOOTING | 5 patay, 4 sugatan sa pamamaril

Campinas, Brazil – Nasawi ang limang katao habang sugatan naman ang nasa apat na iba pa sa nangyaring pamamaril sa loob ng isang simbahan sa Campinas, Brazil.
Pumasok sa Catholic cathedral ang gunman saka nagpakawala ng bala gamit ang dalawang baril ang mga nagdarasal kung saan apat ang agad namatay.

Nagpakamatay din ang suspek sa harap ng altar.

Nagpapagaling naman sa ospital ang mga nasugatan.


Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang suspek.

Base sa datos ng United Nations, aabot sa halos 64,000 na insidente ng murder ang narekord noong nakaraang taon.

Facebook Comments