Inaalam ngayon ng DFA kung mayroon Filipino na nadamay sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang Catholic cathedral sa Brazil.
Sinabi ni Elmer Catu ng DFA, inaantabayanan nila ang ulat na manggagaling sa Philippine Embassy sa Brazil.
Sa report ng Reuters, pinagbabaril ng isang gun man ang mga taong nagdarasal sa loob ng Metropolitan Cathedral sa siyudad ng Campinas sa Brazil.
Apat ang namatay at apat na iba pa ang nasugatan sa pamamaril,
Ang suspect ay nakipagbarilan pa sa mga otoridad, bago ito nagbaril sa sarili.
Bukod sa Brazil, sinabi ni Catu na mino-monitor din nila shooting incident sa Strasbourg, France.
Kung saan dalawa ang napaulat na namatay, habang hindi pa nahuhuli ang shooter o suspect.
Facebook Comments