Isinisi ni Brazilian President Jair Bolsonaro sa mga magsasaka ang pagkakasunog sa Amazon Rainforest na ikinamatay ng maraming hayop at mga halamang gubat.
Ayon kay Bolsonaro, posibleng sinadyang sunugin ng mga magsasaka ang ilang bahagi ng gubat para kanilang mapakinabangan.
Ayon sa National Institute for Space Research (NISR), nakapagtala ang nasabing lugar ng mahigit 74, 000 wildfire ngayong taon na mas mataas ng mahigit 84% kumpara noong 2018.
Ang Amazon rainforest ay kilala bilang “lungs of the earth” dahil nanggagaling dito ang 20% na oxygen sa mundo kung saan itinuturing ito bilang pangontra sa global warming dahil ina-absorb din nito ang carbon dioxide sa buong mundo.
Hindi naman ikinatuwa ni Bolsonaro ang pagpapaabot ng tulong ng ilang mga bansa matapos magpadala ng pera para mapanatili ang pagprotekta sa nasunog na gubat.
Dahil dito, sinabihan ni Bolsonaro ang ilang bansa na huwag nang makialam sa problema ng kanilang bansa matapos ang kakulangan sa mga kagamitan para matupok ang nasabing apoy.