BREAK NA | Super Tekla, deeply affected sa pakikipaghiwalay sa kaniyang girlfriend

Manila, Philippines – Aminado ngayon ang komedyanteng si Super Tekla na deeply affected siya sa pakikipaghiwalay sa kaniyang girlfriend kaya nahihirapan siyang mag-move on.

Say ni Tekla o Romeo Librada sa tunay na buhay, two weeks ago nang makipaghiwalay siya sa kaniyang bisexual girlfriend at kahit daw masakit, kailangan daw niyang tiisin ang nararamdaman pagmamahal dito.

Ayon kasi kay Tekla, nag-iba na daw ang pakikitungo ng babaeng minamahal niya kung saan madalas daw itong nagagalit at kung minsan ay sinasaktan pa siya.


Nabatid na magkasama sila sa isang condo unit pero dahil ayaw daw ng babae na umalis kaya at siya na lang ang nag-desisyon na iwanan ito.

Sa ngayon, pagtutuunan muna ni Tekla ang kaniyang career at umaasa siya na magiging maayos ang takbo nito maging ng kaniyang buhay.

Facebook Comments