Breakdown ng mga bibigyang ayuda ng pamahalaan, inilabas ng Palasyo

Kasunod nang ipinangakong ayuda ng pamahalaan sa mga apektado nating mga kababayan ng 1 linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus areas.

Inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang breakdown ng mga bibigyan ng ayuda kada-rehiyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ang P1,000 financial assistance sa kada-indibidwal ay ipagkakaloob sa low income population sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na sakop ngayon ng 1 linggong ECQ.


Sa pagtaya ng DBM, mayroong 11.2M indibidwal ang magiging benepisyaryo sa NCR, 3M sa Bulacan, 3.4M sa Cavite habang 2.7M sa Laguna at 2.6M sa Rizal.

Samantala base pa sa datos ng DBM nasa P11.2B ang pondong kakailanganin para sa 11.2M benepisyaryo sa NCR, P3B sa Bulacan, P3.4B sa Cavite habang P2.7B sa Laguna at P2.6B ang pondong ilalaan para maayudahan ang low-income individuals sa Rizal.

Inaasahan namang mabibigay agad ang nasabing ayuda base na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments