BREAKING-1 Kilong Shabu nasabat ng PDEA ARMM

Tiklo sa operasyon ng PDEA ARMM at Cotabato City PNP ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng tinatayang 2.5 Million Pesos na halaga ng Shabu.

Isinagawa ang Drug Buy Bust Operation sa City Plaza na pinangunahan ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin at City PNP Director SSupt Rolly Octavio mag aalas dos ngayong hapon.

Sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad nagpanggap na buyer ang isang agent ng PDEA ARMM resulta sa pagkakaaresto ng mga suspected drug pusher na sinasabing mga residente ng Maguindanao. Dito na rin bumulaga ang mga malalaking Jumbo Sachet ng shabu sa mga operatiba.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon habang kasalukuyang himas rehas na ang mga naaresto.
CM Pic

Facebook Comments