BREAKING NEWS: 2 Marine Sergeant biktima ng pamamaril

Patay ang isang Marines habang sugatan ang isa pang kasamahan nito matapos pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Sinsuat Avenue pasado alas una kanina sa Cotabato City.
Kinilala sa report ang napaslang na marines na si Sgt. Ferdinand Ulang habang naisugod sa pagamutan ang kasama nitong si Sgt. Arnel Navarro na naka base sa MBLT7.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad. (NASH ALFONSO)

Facebook Comments