BREAKING NEWS: 3 suspek sa twin grenade explosion sa Tacurong arestado

Nasa kustodiya ngayon ng Sultan Kudarat PPO ang 3 kataong di umanoy sangkot sa grenade explosion sa syudad ng Tacurong noong bisperas ng bagong taon.
Dalawa sa mga suspek ay kabilang pa sa naging sugatan sa nasabing pangyayari ayon pa sa naging panayam ng DXMY ngayong umaga kay SK PD SSupt Raul Supiter.
Bagaman di na muna pinangalanan, sinasabing nagmumula sa iisang bayan sa Maguindanao ang tatlong naaresto dagdag pa ni PD Supiter.
Malaki aniya ang naging partisipasyon sa twin grenade explosion ng tatlong nahuli.
Samantala, kasalukuyang nagpapagaling pa rin ang anim sa mga naging wounded na biktima.
Matatandaang January 31, 2017 ng gabi ng mangyari ang explosion na nagresulta sa pagkakasawi ng 2 katao at pagkakasugat ng maraming iba pa.

Facebook Comments