BREAKING NEWS:1 patay 6 nakatakas sa Jailbreak sa Maguindanao

Binulaga ng pagpuga ng pitong inmates ang Maguindanao Provincial Jail alas dos ng madaling araw kanina.

Sinasabing sinamantala ng mga bilanggo ang pagtakas habang naghahanda ng Suhur o almusal ang mga jailguards at ilang bilanggo pahayag sa DXMY ni Maguindanao Provincial Jail Almansa Macalikon.

Sinira ng mga bilanggo ang kandado ng kanilang selda at dire- diretsong tumakas sa pamamagitan ng sirang Main Gate ng bilangguan.


Sa ginawang pagresponde ng ng mga JailGuards, nagawang mapatay ang isa sa mga tumakas na si Michael Balitoc, may kasong Murder, hindi aniya tumigil si Balitoc sa 3 warning shots ng mga jailguards kung kayat nagawang pagbabarilin.

Kinilala naman ang mga nakatakas na inmates na sina Dante Sandigan Kadatuan, may kasong illegal drugs ,Illegal possession of firearms at explosive , Goli Kutba Magandong, Sindatuk Ampatua,Sadam Lucas, , Aminodin Maliga at Turag Sabal na kapwa may kasong paglabag sa RA 9165.

Nagpapatuloy pa ang manhunt operation ng mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad para sa agarang pagkakahuli ng mga pumugang bilanggo.

Facebook Comments