“Breatharianism” diet, posible kaya?

Image via Audra Bear on Instagram

Tanpok ang isang babae na nagd-diet sa pamamagitan lamang ng paghinga at walang solid na pagkain na tinatawag na “Breatharianism.”

Hindi makapaniwala ang mga netizen sa pahayag ni Audra Bear, 25 taong gulang, na pwedeng mag-diet sa simple ngunit kakaibang pamamaraan nito.

Ayon kay Audra, ang paraan ng diet ay lalahanghap ang katawan ng ‘prana’. Ito ang ibang termino ng ‘Qi’ o ‘Chi’ na ang ibig sabihin ay enerhiya.


Para sa mga Breatharian, hindi na kinakailangan ng solid na pagkain at puro smoothie, tea at juice na lamang ang kanilang ini-intake sa katawan.

Ngunit kapag kasama naman ni Audra ang pamilya at mga kaibigan, kumakain naman siya ng mga aktwal na pagkain.

 

Facebook Comments