Inaprubahan na ng House of Commons ang Brexit deal ni Prime Minister Boris Johnson.
Ibig sabihin, tuloy na ang pag-alis ng United Kingdom sa European Union matapos ang higit apat na dekadang pagiging miyembro nito.
Ayon kay Johnson – aaklas na ang UK sa EU sa January 31 habang ang Brexit ay papasok sa second phase at negotiations para sa trade deal sa EU.
Ang UK ay mananatili sa ilalim ng EU Rules of Trade hanggang December 31.
Facebook Comments