Brexit deal ni UK PM Theresa May, hindi pinagbigyan ng parliyamento

United Kingdom – Tuluyan nang ibinasura ng mga mambabatas ang kasunduan ni British Prime Minister Theresa na umalis sa European Union o mas kilala bilang “Brexit deal”.

Bago ito, hinimok pa ni May ang UK parliament na suportahan ang deal.

Sa ginanap na botohan, 391 British lawmakers ang pumabor na amyendahan ang Brexit deal habang 242 ang tumutol.


Dahil dito, malalagay sa alanganin ang UK, na ika-lima sa pinakamalaking ekonomiya sa mundo dahil aalis ito sa EU na walang kasunduan.

Posible ring maantala ang EU divorce na nakatakda sana sa March 29, maging ang snap election.

Ikinalungkot naman ni European Council President Donald Tusk ang resulta ng botohan.

Una nang sinabi ni European Commission President Jean-Claude Juncker na wala nang mangyayaring “third chance” kung pumalpak ang botohan.

Facebook Comments