Brgy. 183 ng Pasay City, dinagsa ng mga residenteng kukuha ng SAP at travel pass

Umabot hanggang kalsada ang pila ng mga kukuha ng Social Amelioration Program (SAP) at travel pass sa Barangay 183 Pasay City, ngayong umaga.

Hindi alintana ang mainit na panahon ng ilang residente ng naturang barangay habang nakapila ang mga ito sa harapan ng kanilang barangay hall.

Dahil dito, hindi na rin nasusunod social distancing kahit may mga bantay bayan na nagsasaway sa mga ito, pero karamihan sa kanila ay nakasuot ng face mask.


Ayon sa mga namamahala ng barangay, ang mga pumipila ay pinaghalo-halong mga residente na kumukuha ng SAP, travel pass, at barangay ID.

Pahayag naman ng ilan sa kanila ay madaling araw pa lang nang nag-simula silang pumila.

Kapansin- pansin din ang pagkuha ng body temperature bago pumasok sa gusali ng naturang barangay.

Ang SAP distribution ay nagsimula na ngayong buwan para sa ikalawang bugso at ang pagkuha naman ng travel pass ay para naman sa mga tao na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Facebook Comments