Naglibot sa 186 sa North Caloocan ang team ng DZXL Radyo Trabaho kung saan nagsagawa kami ng “Katok Bahay, Sorpresa Trabaho.”
Bingyang-diin ni Chairperson Jose Joma Ramirez ang puspusang pagsisikap nila na matulungan ang kanyang mga kabarangay na magkaroon ng trabaho o pagkakakitaan kaya naman sila ay nagbibigay ng training sa paggawa ng pastry o mga tinapay, massage at pag-welding katuwang ang TESDA at iba pang organisasyon o ahensya.
Ayon kay Ramirez sa nabanggit na training ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na magkaroon ng pagkakakitaan o maging kwalipikado sila sa mga trabaho sa abroad na nagde-demand ng nabanggit na mga skill.
Mayroon ding backyard gulayan ang barangay na nagbibigay masusustansyang pagkain sa mga kabarangay at dagdag kita na rin sa tulong ng Department of Science and Technology at Department of Agriculture.
Ikinatuwa ni Ramirez ang adbokasiya ng DZXL Radyo Trabaho na makatulong sa mga nangangailangan ng trahabo.