BRGY. ALINAM, NAKAHANDA NA PARA SA BRIGADA ESKWELA

 

CAUAYAN CITY- Nakahandang tumulong ang pamunuan ng Brgy. Alinam sa Alinam Elementary School sa nalalapit na Brigada Eskwela.

 

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Joel Castro, nakagawian ng kanilang barangay na tumulong tuwing Brigada Eskwela bilang pagtulong sa mga mag-aaral sa kanilang lugar.

 

Aniya, noong nakaraang taon ay nagtulung-tulong ang mga opisyal maging ang mga mag-aaral para sa pagpapatayo ng opisina ng Head Teacher sa Alinam Elementary School.


 

Proyekto naman nila ngayong taon ay ang pagpapataas ng bakod sa nasabing paaralan dahil maraming bata ang pumapasok sa pasilidad tuwing Sabado at Linggo.

 

Samantala, magsisimula ang Brigada Eskwela sa naturang paaralan sa ika-22 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Facebook Comments