Manila, Philippines – Dalawampung indibidwal na ang namamatay dahil sa insidente ng karahasan na may kinalaman sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan election sa May 14, 2018.
Ito ang iniulat ni Philippine National Police Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao.
Aniya ang 20 nasawi ay mula sa 15 election related violence incidents na kanilang namonitor sa buong bansa.
Sa 20 nasawi, anim rito ay sibilyan, dalawa ay kandidato sa pagka punong brgy, anim ay mismong Punong Brgy, lima ay kagawad ng Brgy at isa ay Brgy tanod.
Pinakamaraming naitalang nasawi ay sa Region 12.
5 naman ang naitalang sugatan at isa ay unharmed.
22 sa mga suspek ay patuloy na pinaghahanap, 9 rito ay kilala na habang 13 ay inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Isa naman ang naaresto suspek.