Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Commission on Election na walang epekto sa SK at Brgy election ang mga Barangay na walang Kagawad dahil tuloy pa rin ang halalan sa nasabing Brgy kahit wala pang Kagawad.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez bahala na ang DILG na magresolba sa naturang isyu kung walang Kagawad na tumatakbo sa naturang Barangay.
Paliwanag ni Jimenez na magtatayo rin ang COMELEC ng Command Post upang tutugon sa mga problema na may kinalaman sa SK at Brgy. Election
Panawagan naman ni Jimenez sa publiko na dapat huwag magpapadala sa mga kandidato ng mga matatamis na salita suriin ang character ng isang kandidato at makinig sa kanilang mga plataporma sa kampanya at maging mapanuri sa halalan.
Dagdag pa ng COMELEC Spokesman na sa unang araw ng campaign period ay marami ng mga campaign materials na nakikita sa mga lansangan habang pinoproseso ng COMELEC ang mga lumabag sa alituntunin ng ahensiya na karamihan ay sa QC.
Giit ni Jimenez na nasa 7,638 Election hotspot sa buong bansa karamihan aniya ay sa ARMM 597 dito ay Red area habang apat naman sa Maynila ang ikinukonsidera nasa watchlist.
Sabi ni Jimenez sa usapin naman ng Honararia ng mga teacher ay mayroong 15 araw ang COMELEC para matiyak na mababayaran ang mga guro na nagsisilbi sa halalan.