Manila, Philippines – Ipinatupad na ng Commission On Elections (COMELEC) ang liquor ban bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections bukas.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nagsimula ito kaninang 12:01 ng madaling araw at magtatagal hanggang hatinggabi ng mismong araw ng halalan.
Sa ilalim ng liquor ban, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pamimigay, pag-aalok, pagbili at pag-inom at pagsisilbi ng anumang nakalalasing na inumin.
Facebook Comments