Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, isinailalim na rin sa hard lockdown; higit 200, lumabag naman sa lockdown sa Tondo, Manila!

Isinailalim na sa hard lockdown ang Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Nagsimula ito alas-5:00 kaninang umaga na tatagal hanggang alas-5:00 ng umaga bukas, May 5.

Sa ilalim nito, suspendido ang paggamit ng quarantine pass at tanging frontline workers at barangay officials lang ang papayagang lumabas ng bahay.


Ang pagpapairal ng hard lockdown sa lugar ay bunsod ng patuloy na paglabag ng mga residente nito sa ECQ guidelines.

Samantala, mahigit 200 na ang nahuli sa 48-hour hard lockdown sa Tondo-District 1, Maynila na sinimulang ipatupad kahapon.

Ang Tondo ay isa sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod dahil na rin sa dami ng ECQ violators.

Nasa 109 naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa lugar kasunod ng isinagawang rapid testing ng Lokal na Pamahalaan.

Facebook Comments