Brgy. Chairman Candidate at Dalawang Kamag- Anak, Pinagbabaril ng Kapitan!

229

Iguig, Cagayan- Binaril ang isang tumatakbo sa posisyong Brgy. Chairman maging ang isang anak at kamag-anak nito pasado alas otso kagabi sa Brgy. Atulu, Iguig, Cagayan.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Vicente Taggiuam Sr., Sisentay kwatro anyos, may-asawa, isa sa tumatakbong Brgy. Chairman, ang anak nito na si Vincente Taggiuam Jr. bente otso anyos at si Maximo Taggiuam, bente nuwebe anyos habang ang mga suspek naman ay kinilalang sina Renato Banatao, Brgy. Kapitan ng Atulu, Genesis o “Asis” Banatao at Mac Mac Baloran na pawang mga residente ng Brgy. Atulu, Iguig, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Iguig, na inaya umano ng inuman ni Tagguiam Sr. ang kanilang Kapitan na si Renato Banatao at sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagkaroon umano ng alitan ang magkabilang panig kaya’t nilapitan at sinakal nina Baloran at Asis si Tagguiam Sr.


Hinila pa umano ng mga suspek ang biktima sa madilim na lugar at dito na binaril sa bahaging dibdib ni kapitan Banatao si Tagguiam Sr. hanggang sa madamay ang magpinsang sina vicente taggiuam Jr. na naputukan sa kanyang mukha habang si maximo naman ay tinamaan sa kanyang kanang siko.

Nasa kustodiya na ng PNP Iguig ang mga suspek para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposiyon.

Facebook Comments