Brgy. District III-Cauayan City, Aktibong Nakisama sa Clean-up Drive ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Aktibo ring nakiisa sa clean-up drive ngayong araw ang Brgy. District III sa pangunguna ni punong barangay Bagnos Maximo Jr. ng Brgy. District III dito sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon kay Brgy. Capt. Bagnos Maximo Jr., umaga palang ay sinimulan na umano nila ang kanilang pag-iikot sa mga purok na kanyang nasasakupan upang pangunahan ang paglilinis sa mga kalye at sa kanilang mga bakuran.

Bukod pa rito ay tinanggal na rin umano nila ang mga kahoy na nakakasagabal sa mga daan upang mas maging maaliwalas at lumuwag ang mga kalye sa kanyang nasasakupan.


Ayon pa kay Brgy. Capt. Maximo Jr. dapat lang umano na magkaroon ng sabayang paglilinis dito sa ating lalawigan upang maging ligtas sa lumalaganap nang sakit na dengue.

Facebook Comments