Brgy Kagawad, Arestado sa Pag-iingat ng mga Illegal na Baril at Bala!

*Cordon, Isabela- *Arestado sa pag-iingat ng mga iligal na baril at bala ang isang Brgy Kagawad matapos halughugin ng mga otoridad ang bahay nito sa Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Jessie Echanes, 51 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, bandang 5:30 kaninang umaga nang isilbi ng mga otoridad ang Search Warrant sa loob ng bahay ni Echanes na ipinalabas ni hukom Anastacio Anghad ng RTC BR 36, Second Judicial Region, Santiago City dahil sa paglabag nito sa RA 10591 o Comprehensive Firearms *and *Ammunition Regulation Act.


Nakumpiska mula kay Echanes ang isang Caliber 9mm Pistol, isang Steel Magazine ng 9mm at walong piraso ng bala ng Cal 9mm.

Dinala na sa CIDG- RFU2, Santiago City ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments