Brgy Kagawad at Tanod, Arestado Habang Nag-iinuman!

679

Cauayan City, Isabela- Sa kulungan na nagpalipas ng gabi ang isang barangay Kagawad, Tanod kasama ang isa pang brgy treasurer at magsasaka matapos na arestuhin ng kapulisan dahil sa paglabag sa liqour ban sa brgy. Fugu Abajo, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Edilberto Talaue, 54 anyos, brgy Kagawad, Jose Malazzab, 57 anyos, brgy Tanod, Francisco Callueng Jr., 57 anyos, brgy treasurer at Wilson Bacani, 33 anyos, magsasaka at pawang mga residente ng naturang barangay.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Rolando Gatan, hepe ng pulisya, nahuli ang mga ito nang maaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis sa lugar na nag-iinuman sa kanilang barangay.

Ayon aniya sa mga nahuli, panlaban lamang umano sa kanilang puyat ang ginawang pag-inom.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa apat na nahuli.

Facebook Comments