Brgy. Kagawad na Wanted sa Batas, Arestado!

*Burgos, Isabela- *Kalaboso ang isang Brgy. Kagawad na may kasong kinakaharap matapos islbi ang mandamiento de aresto nito ganap na alas syete kaninang umaga sa Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jose Mata, 56 anyos, at residente ng Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela.

Hinuli si Mata sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Angerico B Ramirez, ng 2nd Juducial Region, 11th MCTC Gamu-Burgos, Isabela dahil sa kasong Less Serious Physical Injuries.


Dinala na sa Burgos Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court pf origin nito.

Pansamantalang makakalaya ang Kagawad kung makakapagpiyansa ng halagang P30,000.00.

Facebook Comments