Brgy. Kapitan mula Cotabato City sugatan sa pammaril sa North Cotabato

Nasa maayos ng sitwasyon si Mother Brgy. Kalanganan Kapitan Bimbo Ayunan at misis nito matapos pagbabarilin sa bahagi ng Makilala North Cotabato pasado alas singko ng hapon noong sabado.
Agad ring nilinaw ni Kalanganan 2 Chairman Edris Ayunan , older brother ni Kap Bimbo na siya ang naging biktima matapos ang kumalat ang spot report ng PNP.
Sinasabing nagmumula sa Davao City si Kap Bimbo sakay ng Pick up. Pagsapit ng Makilala Area ay bigla itong pinagbabaril ng riding in tandem, maliban sa mga naunang namaril, isa pang motorsiklo na sakay pa rin ng dalawa katao ang lumapit sa pick at pinagbabaril din ang mga ito.
Isang tama sa tyan ang natamo ni Kapitan Bimbo. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.
Photo: from the FB Wall of Kap Bimbo Ayunan

Facebook Comments