Brgy. Krus na Ligas sa QC na nanatiling zero Covid-19, ilalagay sa lockdown simula bukas dahil sa extended ECQ sa NCR

Bagamat nanatiling zero COVID-19 ang Barangay Krus na Ligas sa Quezon city, hindi nagpapakakampante ang pamunuan ng barangay lalupa’tĀ  extended ang enhanced community quarantine sa Metro Manila hanggang May 15.

Nagdesisyon ang Barangay na isasailalimĀ  sa lockdown ang Barangay Krus simula bukas.

Sa ilalim ng lockdown, wala nang ibang papasukin na taga labas ng barangay.


Hindi na rin papasukin ang mga motorcycle delivery driver na naghahatid ng pagkain at iba pa.

Hindi na rin papayagan ang pagpapahiram ng quarantine pass.

5AM to 6PM na lamang pwedeng lumabas para makapamili ng pangangailangan.

Facebook Comments