CAUAYAN CITY- Sa kabila ng pagkakaroon ng mga kaso ng dengue sa ilang barangay sa Lungsod, nananatiling malaya mula sa dengue ang Brgy. Labinab.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Committee on Health Richard Ualat, ngayong taon ay wala pang residente ang naitalang tinamaan ng sakit na dengue.
Aniya, noong buwan ng Marso, nag-spray sila ng gamot laban sa mga insekto sa paaralan, at kamakailan lamang isinagawa rin ito sa mga kanal.
Dagdag pa nito, iba’t-ibang hakbang ang ginagawa ng kanilang pamunuan para mapanatili ang kalinisan sa lugar nang makaiwas sa mga sakit na maaaring maidulot ng maduming kapaligiran.
Samantala, inaabisuhan naman ang mga mamamayan na laging panatilihing malinis ang kanilang paligid upang hindi matamaan ng mga sakit katulad ng dengue.