Brgy. Lupon patay sa pamamaril, suspek mismong pinsan nito!

Natukoy na ng Datu Odin Sinsuat-PNP ang suspek sa pamamaril-patay sa isang Barangay Lupon sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong araw ng Sabado.
Sa panayam ng DXMY ka Police Maj. Joseph Macatangay, hepe ng Datu Odin Sinsuat-Municipal Police STation, mismong pinsang buo ng biktima ang suspek sa pamamaril.
Kinilala ni Police Major Macatangay ang biktima na si Guianor Pasawilan Samama, 40 anyos, Barangay Lupon ng Barangay Upper Capiton na pinagbabaril habang sakay ng payong-payong sa bahagi ng Kurbada, Barangay Awang, DOS, Maguindanao.
Tinukoy ni Maj. Macatangay ang suspek na si Jamil Pasawialan, residente ng Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Land dispute ang motibo ang krimen ayon pa kay Maj. Macatangay.
Tatlong araw bago ang pamamaril ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima ang biktima at suspek kung saan nagbanta pa umano si Pasawilan na babalikan nito si Samama.
Nagpapatuloy naman ang hot pursuit laban sa suspek .Inalerto na rin ang mga kalapit Municipal Police Stations para sa agarang ikakahuli ng suspek. (Daisy Mangod)
DOS MPS Pic

Facebook Comments