BRGY. MABANTAD, NANANATILING HANDA SA POSIBLENG EPEKTO NG MASAMANG PANAHON

Cauayan City – Bagama’t wala ng typhoon signal sa lalawigan ng Isabela kaugnay pa rin sa bagyong Gener, nagpapatuloy pa rin ang kahandaan ng Brgy. Mabantad sa posibleng maging epekto ng masungit na panahon.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginoong Romel Maguddayao, dahil kabilang sa low lying areas sa lungsod ng Cauayan ang kanilang lugar at talagang madalas na bahain tuwing panahon ng sakuna, palaging handa ang kanilang pamunuan ganun na rin ang mga residente.

Ayon kay Ginoong Maguddayao, bukas ang Brgy. Hall, Brgy. Health Center, at Brgy. Chapel na siyang nagsisilbing evacuation center sa kanilang lugar sakali man na kinakailangang lumikas ng ilang mga residente.


Paalala nito sa kanyang mga kabarangay na bagama’t wala ng typhoon signal sa lalawigan ng Isabela, manatiling maging handa, makinig sa mga abiso, at maging mapagmatyag sa posibleng maging epekto ng patuloy na pagsusungit ng panahon.

Facebook Comments