Brgy. opisyal pinagbabaril patay sa Caloocan City

77

Manila, Philippines – Patay on the spot  ang isang Brgy. Deputy Executive Officermatapos na pagbabarilin ng tinatayang anim na kalalakihan sa Tanigue Streetkanto ng Espina street Brgy. 18 Caloocan City.
  Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng barilsa ibat ibang bahagi ng katawan na  siRoberto Serrano isang Brgy. Ex-O sa kanilang lugar.
  Batay sa imbestigasyon ng pulisya nag-iinuman sa lugar siSerrano kasama ang mga kaibigan nito ng biglang dumating ang mga suspek lulanng tatlong motorsiklo at walang sabi-sabing pinaputukan ang Brgy. Ex-O sa ibatibang bahagi ng katawan na siyang ikinamatay nito noon din
  Binaril din ang kainuman ni Serrano pero nakatakbo habangisa pang residente sa lugar ang nabaril din subalit kapwa sila ligtas.
  Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaril nghindi pa nakilalang mga kalalakihan sa isang Brgy. opisyal.

Facebook Comments