BRGY. SAN ANTONIO, ALERTO SA ANUMANG KALAMIDAD

CAUAYAN CITY- Nakahanda ang pamunuan ng Brgy. San Antonio sa pag-responde sa mga residente sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyong Carina.

Sa panayam ng IFM News Team kay Reynaldo Agsalog, Kagawad sa nabanggit na Barangay, halos kumpleto sa kagamitan ang kanilang barangay subalit nais pa nilang magdagdag ng chainsaw dahil madalas umanong maraming natutumbang puno sa kanilang mga kalsada tuwing nakakaranas ng bagyo.

Aniya, nagpapasalamat ito dahil hindi tumama sa kalupaan ang bagyong Carina bagkus ay nagdulot ito ng biyaya sa mga magsasaka dahil napatubigan ang kanilang mga pananim.


Sinabi pa nito na laging alerto ang mga opisyal at tauhan ng kanilang barangay sa pagresponde sa mga nangangailangan at apektadong mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments