BRGY. SILLAWIT, PATULOY ANG KAMPANYA KONTRA STRAY ANIMALS

Cauayan City – Patuloy ang kampanya ng Barangay Sillawit kontra sa mga stray animals sa kanilang barangay.

Aminado ang mga opisyal ng barangay na hindi sapat ang kapasidad ng kanilang barangay para magkaroon ng animal impounding facility. Dahil dito, isinulong at ipinasa nila ang isang ordinansa na layong kontrolin ang pagdami ng mga stray animals.

Isa sa mga insidenteng nagtulak sa pagpasa ng ordinansa ay ang kaso ng isang babae na hinabol ng aso at kalauna’y nakunan.

Ayon kay Brgy. Kagawad Luzviminda R. Mauricio, seryoso nilang tinututukan ang ganitong mga insidente upang maiwasan ang kaparehong pangyayari sa hinaharap.

Nanawagan ang barangay sa mga residente na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop at suportahan ang mga hakbang ng pamahalaang barangay para sa kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments