Brgy. Treasurer na Tinangay ng Baha sa Apayao, Natagpuan na!

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na ang bangkay ng isang barangay treasurer na nawawala sa kasagsagan ng pagbaha sa Karagawan, Kabugao, Apayao.

Halos tatlong araw ang ginugol na paghahanap ng mga otoridad sa bangkay ni James Carag, Barangay Treasurer ng Karagawan ng nasabing bayan.

Matandaan na tinangay ng malakas na agos ng tubig si Carag dahil sa biglaang pagbaha sa kanilang lugar.


Si Carag ay pangatlo sa naitalang namatay, una ay sina Board Member Butch Mangalao ng Apayao at P/Cpl.Rommel Gumidam na kapwa nailibing na buhay matapos matabunan ng lupa ang kanilang tinuluyang bahay.

Samantala, nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang lalawigan ng Apayao at pahirapan pa rin ang pagbiyahe sa mga lugar dahil lubog pa rin sa baha habang sarado pa ang ilang mga lansangan dahil sa mga gumuhong lupa mula sa kabundukan.

Inaalam pa ng pamahalaang panlalawigan ng Apayao ang pinsala sa agrikultura, imprastraktura at pangkabuhayan na dulot ng malawakang pagbaha.

Facebook Comments