Brian Cu, nagbitiw bilang pinuno ng Grab Philippines

Nagbitiw na sa pwesto si Grab Philippines President Brian Cu.

Sa kanyang video message sa Facebook, sinabi ni Cu na nais niyang ipursige ang iba pang negosyo at mag-focus sa kanyang pamilya.

Pagtitiyak ni Cu na patuloy niyang susuportahan ang mga driver, delivery at merchant partners.


Nabatid na pitong taong nagsilbi si Cu bilang pinuno ng ride-hailing at food-delivery service firm.

Facebook Comments