BRIBERY SCANDAL | Arraignment ng retiradong police official na si Wally Sombero sa kinakaharap nitong kaso, ipinagpaliban

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment ng retiradong police official na si Wally Sombero sa kinakaharap nitong kaso kaugnay sa P50-million bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).

Itinakda na lamang ang pagbasa ng sakdal kay Sombero sa June 29, ala 1:30 ng hapon habang nakabinbin pa ang kaniyang motion to quash information.

Nagkataon din na hindi nakadalo ang panig ng prosekusyon sa arraignment kahapon dahil dumalo sila sa neurological services ng nasawing si Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Ednaco-Tanyag sa St. Peter Chapels.


Si Sombero ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Direct Bribery, at paglabag sa Presidential Decree No. 46 kung saan ang mga kapwa niya akusado na sina dating BI Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles ay kapwa naghain ng not guilty plea noong May 25.

Facebook Comments