Wednesday, January 28, 2026

Brice Hernandez, Jaypee Mendoza naghain ng not guilty plea sa kasong graft sa Sandiganbayan

Naghain ng not guilty plea ang ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways sa kasong graft na kinakaharap nila sa Sandiganbayan 4th Division.

Ito ay kaugnay sa pagkakadawit nila sa maanomalyang proyekto kontra baha sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng P92.8 million pesos.

Kabilang sa naghain ng not guilty plea sina daring Bulacan district engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Itinakda naman sa February 9 ang arraignment sa kaso ni dating Senador Bong Revilla at mga kasamahan nito na kapwa akusado.

Habang itinakda sa February 13 ang pre trial bago ang pagsalang sa pre-trial sa February 19.

Nauna nang humiling ang kampo ni Revilla na ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal dahil sa mga nakabinbin pang mosyon na kanilang inihain.

Facebook Comments