Brice Hernandez, nag-tell all na sa DOJ kaugnay sa flood control anomaly

Nagsabi na ng lahat ng kaniyang nalalaman si dating Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects.

Ito ang inihayag ng kaniyang abogado matapos magtungo si Hernandez sa Department of Justice (DOJ) para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Ayon kay Atty. Ernest Levanza, nag-tell all na ang kaniyang kliyente sa isinumite nitong affidavit sa DOJ.

Samantala, bukod kay Hernandez ay nagtungo rin sa DOJ ngayong Miyerkules ang kapwa nito dating Assistant District Engineer na si Jaypee Mendoza, dating District Engineer Henry Alcantara at contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya.

Facebook Comments