Manila, Philippines – Bumagal ang usad ng mga sasakyan simula madaling araw pa lang hanggang sa mga oras na ito sa President Quirino Avenue sa Maynila.
Ang dahilan nito ay ang ginagawang konstruksyon ng Concordia Bridge malapit sa Plaza Dilao sa Paco, Maynila.
Bukod sa luma na ang tulay, tatamaan din ito ng tinatayong Skyway 3 o NLEX-SLEX connector kaya kailangang patibayin.
Nakasaad sa kanilang anunsyo na tatagal ang bridge reconstruction hanggang Setyembre 2018.
May mga bahagi ng Quirino Avenue na isang linya na lamang ang madaraanan, at pinapa-counterflow na ang mga sasakyan sa kabilang linya.
Abiso sa mga motorista, humanap ng alternatibong daan at iwasan ang naturang tulay.
Matindi na rin ang pagsisikip ng trapiko sa Pandacan at Paco Area ng Quirino Avenue dahil sa nagkakaroon na ng domino effects.
May mga enforcer namang nagmamando sa trapiko pero sadyang mabagal pa rin ang usad ng mga sasakyan.