Briefing sa deficiency ng DOH sa COVID-19 response, tinawag na premature at irresponsible ng isang kongresista

Tinawag ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na “premature” at iresponsable ang ginawang pagsasapubliko ng Commission on Audit (COA) sa report kaugnay sa deficiency ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 response na aabot sa P67.32 billion.

Ayon kay Marcoleta, masyadong maaga ang ginawang briefing ng Kamara at COA gayong mayroon naman palang 60 araw na ibinigay sa DOH para makumpleto ang mga isusumiteng dokumento.

Bukod dito, may binabalak pang imbestigasyon ang Senado sa deficiency ng DOH.


Apela ni Marcoleta, bigyan ng “due process” at panahon ang DOH para makumpleto ang mga kinakailangang dokumento.

Pinayuhan din ng kongresista na maging makatwiran ang COA sa paglalabas ng report lalo na kung hindi pa naman ito pinal.

Umalma naman si COA Chairman Mike Aguinaldo na hindi tamang sabihin na wala silang “due process” dahil bago ilabas ang report ay ilang pulong na ang ginawa kasama ang management ng ahensya.

Facebook Comments