Brig. Gen. Perfecto M. Rimando Jr., Bagong Pinuno ng 5th ID.

Upi Gamu, Isabela – Pormal ng umupo ngayong araw bilang bagong pinuno ng 5th Infantry Division ng Philippine Army si Brig. Gen. Perfecto M. Rimando.

Sa turn over ceremony na pinangunahan ni Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista, commanding general ng Philippine Army, pinalitan ni Brig. Gen. Rimando si Lt. Gen. Paul Atal na matatalaga naman bilang pinuno ng Central Command sa Visayas Area.

Si Brig. Gen. Rimando ay kabilang sa PMA Class 86, tubong La Union, naglingkod ng matagal sa Mindanao area at nakapangasawa sa Ilagan City, Isabela.


Sa kanyang talumpati ngayong araw, hinikayat ng bagong pinuno ang mga sundalo na pag-ibayuhin ang kanilang tungkulin upang tuluyang mawakasan ang insurgency dito sa lambak ng Cagayan.

Kanya ring hiningi ang tulong ng media upang maiparating sa publiko ang mga programa at proyekto ng pamahalaan upang tuluyang makamit ang kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments