Brigada Eskuwela ng Department of Education, aarangkada na sa Lunes (May 15)

Manila, Philippines – Nakahanda naang Department of Education (DepEd) sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2017 sa Lunes,May 15 na magtatagal hanggang May 20.
 
Ang “national kick – off ceremony”ng Brigada Eskwela ay gaganapin sa Cebu City na may temang “isang deped, isangpamayanan, isang bayanihan para sa handa at ligtas na paaralan”.
 
Sa interview ng RMN sinabi ni EducationAssistant Secretary Tonisito Umali – layon nitong maihanda ang mga paaralanpara sa pagbubukas ng klase sa June 5.
 
Kaugnay nito – hinimok ni umali angiba’t ibang grupo na makilahok sa nasabing aktibidad.
 
 
Samantala – maglulunsad din ang DepEdng caravan sa Lunes sa regional at school division offices kaugnay ng BrigadaEskwela.
 
Bukod dito – magkakaroon din ngmandatory drug testing sa mga guro sa tulong ng Department of Health.
 
Tampok din sa Brigada Eskuwela angspecial registration para sa mga gustong sumali sa alternative learning systemo als kung saan target na mahikayat ng DepEd ang apat na milyong out of schoolyouth.
 
Kasabay nito – nagbukas angkagawaran ng mahigit 53,000 teaching positions kung saan ang 20,000 rito ayilalaan sa kinder-junior high habang mahigit 30,000 naman sa senior high school.
 
 

Facebook Comments