Manila, Philippines – Maliban sa paglilinis ng mga paaralan bahagi rin ng Brigada Eskuwela 2017 ng Department of Education ang pagkakaroon ng caravan kung saan tututukan dito ang kapakanan ng mga estudyante at mga guro.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – pangunahing pangangailangan ng mga paaralan ang magsagawa ng upgrade o ang pagsasaayos ng mga pasilidad sa silid aralan.
Kasabay nito – isang mekanismo din ang ipatutupad ng DepEd sa mga paaralan.
Ito ang tinatawag na “Brigada Eskuwela Plus” na tututok sa tatlong mahahalagang gawain.
Kabilang na rito ang pagtitiyak ng school maintenance sa buong taon, pagsasagawa ng community led effort at ang pagmomonitor at pagsasagawa ng mga aktibidad sa mga komunidad para masiguro ang performance ng mga estudyante sa kabuuan.
Samantala – magkakaroon din ng mandatory drug testing sa mga guro sa tulong ng department of health.
Magsisimula ang bridaga eskwela sa (Lunes) Mayo 15 hanggang 20 (Sabado) o tatlong linggo bago ang pagbubukas ng klase sa June 5.
DZXL558