Brigada Eskwela 2018 aarangkada na sa May 24 sa Cotabato City

*Handa na ang City School Division of Cotabato City sa Brigada Eskwela para sa taong kasalukuyan kung saan sinabi ni Sir Johnny Balawag ang DepEd Administrator nasa Mayo 24 ang kick-off ng Brigada Eskwela nila gagawin sa Sero Central Elementary School.*
*Inihayag niya na magkakaroon muna ng Caravan sa buong siyudad na susundan ng maikling programa, na lahat ng DepEd Cotabato City ay inaasahang dadalo kasama ang PTCA at mga magulang.*
*Anya handa narin sila para sa school year 2018-2019 na magsisimula ang pasukan sa June 4 o unang lunes sa buwan ng Hunyo.*

Facebook Comments