Tuloy pa rin ang national schools maintenance program ng Department of Education (DepEd) o mas kilala bilang Brigada Eskwela.
Ito ay sa kabila nang wala pa ring pahintulot mula sa gobyerno na magsagawa ng face-to-face classes dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng DepEd, opisyal nang bubuksan ang Brigada Eskwela 2021 sa pamamagitan ng national virtual launch, sa pangunguna ng Schools Division ng Tagum City sa Region 10.
Mahigpit namang ipapatupad ng ahensiya ang pagsunod ng health protocols ng mga lalahok sa programa, kabilang ang social distancing measures at proper hygiene na utos ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ang Brigada Eskwela ay nakagawian na ng DepEd kada taon upang i-welcome ang mga mag-aaral sa pagbubukas ng pasok sa mga paaralan.
Ang Brigada Eskwela 2021 ay may slogan na “Bayanihan para sa Paaralan” habang ang regional theme ay “Handang Paaralan para sa Handang Pasukan”.