Brigada eskwela ikinasa na ng DepEd ARMM

*IniHanda na ngayon ng DepEd ARMM ang taunang Brigada eskwela para sa pagbubukas ng klase sa School year 2018-2019 kung saan para sa Marawi city ay gagawin ang pangatlong batch ng Brigada eskwela sa May 22 habang ang regular Brigada eskwela ay sa May 28 hanggang June 02.*
*Ayon kay DepEd ARMM secretary Atty.Rasol Mitmug, may launching sa May 22-23 para sa Marawi dahil isang taon na mula ng magkaroon ng matinding bakbakan sa naturang siyudad. Bababa ang DepEd national para sama-samang magkumpuni ng mga nasirang paaralan. Anya meron animnaput siyam na paaralan sa naturang siyudad at dalawampu dito ay labis na nasira ng giyera.*

Facebook Comments