Zamboanga del Norte – Nakatakdang ilunsad sa siyudad ng Dapitan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte ang Oplan Kalusugan Program ng Department of Education (DepEd) kasabay ng 2018 Brigada Eskwela Regional Kick-Off Program bukas Sabado May 26, 2018 sa Sulangon Central School sa syudad.
Ayon kay Chief Education Supervisor, School Governance and Operations Division, Sherlito E. Sagapsapan ng DepEd Dapitan, na ang nasabing programa lalahukan sa aabot 400 mga bisita mula sa DepEd family sa pangunguna ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali, DepEd Assistant Secretary Revsee A. Escobedo at DepEd Regional director. Isabelita M. Borres.
Ang Oplan Kalusugan ay isang programa ng DepEd para sa maayos na kalusugan kung saan sa nasabing araw isasagawa rin ang health at dental examination para sa mga mag-aaral at mga guro ng Sulangon Central School sa pangunguna naman ng Department of Health (DOH).