Iligan City – Pangungunahan ni Deped Secretary Leonor Briones ang unang batch sa gagawing Brigada Eskwela sa Marawi ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni Director Ronilda Co kung saan magsanib pwersa anglahat ng mga kawani ng Deped mula Luzon, visayas at Mindanao para sa Brigada Eskwela sa Marawi.
Labin-limang paraalan muna ang kukumpunihin, pagagandahin, aayusin ng mga lalahok sa brigada eskwela simula ngayong araw hanggang sa arawng biyernes.
Ang kick off ngayon ay gaganapin sa isang paraalang elementarya malapit sa AmaiPakpak hospital sa marawi city ngayong umaga.
Ayon kay Co, walang pundo na inilabas ang deped para sa nasabing programa. Nilinaw nito na galing lang talaga sa kanilang mga sponsors at donasyon ang mga materyales na gagamitin para sa gagawing Brigada Eskwela sa Marawi. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
Brigada Eskwela sa Marawi ngayong araw pangungunahan ni Deped Secretary Briones
Facebook Comments