Brigada Eskwela, umarangkada na sa QC

Quezon City – Nagsimula na ngayong araw ang ‘Brigada Eskwela’ sa lahat ng paaralan sa buong Quezon City.

Ito ay taunang aktibidad na may layuning  maglinis at maihanda ang mga eskwelahansa papalapit na pasukan sa Hunyo.

Bandang 6AM kanina nang dumating ang mga guro, estudyante at magulang sa Quezon City High School sa Barangay Sacred Heart.


May mga itinakdang mga schedules para sa buong maghapon para sa iba’t-ibang gawain kabilang ang pagsasaayos ng sirang bubong, paglilinis ng baradong drainage at sa paglinis at repair ng mga classroom .

Ang naturang eskwelahan ay may lawak na 15 hectares.

Noong nakaraang school year ay mayroon itong limang libong enrollees.

Tema ng “Brigada Eskwela 2019” ay  “Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan”.

Sa kauna-unahang pagkakataon, makikiisa sa taunang Brigada Eskwela program ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Naglaan na ng tig P5,000 ang PDEA para sa 17 Regional Offices para ipambili  ng mga kagamitan para sa magamit sa  paglilinis ng mga eskwelahan.

Facebook Comments