British couple – nagpakasal sa pinakatagong lugar sa buong mundo

Church wedding, beach wedding, garden wedding – ilan lang ‘yan sa mga klase ng kasal na pangarap ng bawat babae.

Pero alam niyo ba, isang British couple na sa kagustuhang gawing pribado ang kanilang pag-iisang-dibdib ang nagpakasal sa isa sa mga pinakamalayo at pinakatagong lugar sa buong mundo.

Kwento nina Julie Baum at Tom Sylvester, kahit sila ay natatawa sa naging venue ng kanilang kasal na ginanap sa British Antarctic territory.


Ikinatuwa naman ng dalawa ang naging mabuting pakikisama sa kanila ng mga tao roon.

Katunayan, sila ang kauna-unahang ikinasal sa lugar.

Facebook Comments