Manila, Philippines – Nababala ang British government sa mga kababayan nito sa Pilipinas na iwasang magtungo sa Western at Central Mindanao, maging sa Sulu archipelago.
Ito ay kasunod ng mga ulat na terrorist activity at bakbakan sa pagitan ng militar ay insurgent groups.
Sa abisong inilabas ng Foreign Commonwealth Office (FCO), inaasahang maglulunsad ng pag-atake ang mga terorista sa bansa partikular sa Metro Manila.
Dagdag pa ng FCO, patuloy na nagpaplano ang terrorist groups at may kakayahan ito na magkasa ng atake anumang oras at sa anumang bahagi ng bansa kabilang ang mga lugar na binibisita ng mga banyaga gaya ng paliparan, shopping malls, public transport at simbahan.
Binanggit din ng FCO ang tumataas na bilang ng insidente ng kidnapping sa foreign nationals.
Pinayuhan ng British government ang mga kababayan na magsumbong sa mga awtoridad kapag may napansing kahina-hinalang aktibidad.